SM FOUNDATION SA ‘NEW NORMAL’

SM FOUNDATION

SA MGA hamong dulot ng ­COVID-19 pandemic, sinisiguro ng SM Foundation (SMFI) ang pagtutuloy-tuloy ng mga programa nito sa pag-akma sa tinatawag na ‘new normal’ sa pagkamit ng mga bagay.

Buhat nang simulan ang lockdown, ang SMFI team, partikular ang kanilang education pillar, ay nagsagawa ng  virtual home visits at interviews para sa SY 2020-2021 scholar-applicants– lalo na yaong mga nakaiskedyul habang naka-quarantine.

Ang prosesong  ito ay dating ginagawa ng ilang opisyal ng SMFI. Ito ang huling hakbang para sa mga nakapasa sa initial screening at exam upang ang isang kandidato ay maging isa sa mga iskolar ng SMFI.

Ibinahagi ni SMFI executive director for education Linda Atayde ang tagumpay ng kanilang online house visits at interview. “The quarantine period and isolation posed a big challenge for our team. Through digital technology, we were able to establish connections with our candidate scholars. We were able to interview most if not all of the scheduled candidate scholar. There’s a bigadvantage using the virtual setup because the team from the Foundation were able to reach the scholar-applicants faster in spite of some of the candidates  were living in the countryside.”

Nakatutuwang makita ang ilang dating SM scholars na boluntaryong tumutulong sa SM education team sa pagsasagawa ng virtual home visits at interviews. Ayon sa kanila, isa itong magandang pagkakataon para maipakita ang diwa ng volunteerism lalo na’t ang programang ito ay pinakamalapit sa kanilang mga puso dahil sila mismo ay mga produkto ng  SM Scholarship Program.

Para sa Kabalikat sa Kabuhayan (KSK) program ng SMFI, ang team ay nakipagpartner sa SM Development Corp. (SMDC) sa paglalatag ng weekly community grocer initiative nito, ang The Good Guys Market. Sa pamamagitan ng programa, ang mga residente ng SMDC ay makabibili na ngayon ng murang fresh produce habang tinutulungan at sinusuportahan ang mga magsasaka.

Sa pamamagitan ng social enterprise na inorganisa ng Kabalikat sa Kabuhayan (KSK) trainees at  farmer group, ang mga residente sa SMDC communities tulad ng Sea, Shell, at Shore Residences na matatagpuan sa MOA complex ay makaka-order na ngayon ng mga sariwang gulay at prutas online. Ang kanilang orders ay ide-deliver mismo sa kanilang tinitirhan tuwing Linggo na walang delivery charges.

“Aside from partnering with SMDC in providing market linkage to its farmer trainees, the bayanihan spirit lives on amidst the pandemic through its collaboration with its partners, Maricon Mills and Rice Up. Through this partnership, local produce of KSK trainees were gathered and sold at fair market prices in the provinces,” wika ni SMFI AVP for outreach programs Cristie Angeles.

“In addition to selling agri-based products, most farmer trainees also distribute free seeds to their neighbors in order to spread the love for farming and promote food security. This is very vital since during a pandemic, planting and harvesting your own produce would go a long way,” dagdag pa ni Angeles.

Comments are closed.