NAITAYO na ng SM ng pitong (7) insulated emergency quarantine facilities (EQFs) sa Pasay at Quezon City.
Ang mga pasilidad na ginawa ng SM Engineering Design and Development (SMEDD) at WTA Architecture and Design Studio, ay matatagpuan sa Air Force General Hospital – Villamor Air Base sa Pasay City; at sa AFP Health Service Command – V. Luna (two facilities) at Camp Crame (four facilities) sa Quezon City.
Ibinahagi ni SMEDD president Hans “Chico” Sy, Jr., na nakipagpulong ang SM Group sa mga health authorities para matukoy kung paano makatutulong ang kanilang kompanya para sama-samang laban ang Covid-19.
Nakumpleto ang mga sa loob lamang anim hanggang sampung araw na mayroong kabuuan bilang na 156 na kama, air conditioning units, ceiling fans, exhaust fans, restrooms, shower areas, at nurse lounges. Nakahanda nang tumanggap ng mga pasyente ng Covid-19 ang EQFs na kabilang sa asymptomatic o mayroon katamtamang simtomas ng sakit.
Sa Camp Crame EQFs, bawat kama ay mayroong built-in call system at mayroon ding access sa Wi-Fi connectivity ang mga pasyente.
Nagkakahalaga umano ng aabot sa limang (5) milyon pesos ang pagpapagawa nitong pitong insulated EQFs.
Venue for volunteeriSM
Sa pamamagitan ng proyektong ito, naibabahagi ng mga empleyado ng SMEDD ang kanilang mga oras at galling sa paggawa ng insulated EQFs. Dahil sa inisyatibang ito, nakakuha sila ng malaking tulong at suporta mula mismo kay Chico Sy.
Ibinahagi naman ni Project Engineer Felix Borja ang mga dahilan kung niya napiling ialay ang kaniyang kakayanan sa mabuting inisytibang ito, “I want to personally be part of the fight against COVID-19. To do good and to do what is right are the main reasons why I’m volunteering,” saad ni Borja.