NAGPOSTE ang conglomerate SM Investments Corp. ng net income na P44.6 billion noong 2019, mas mataas ng 20% kumpara sa P37.1 billion noong 2018 sa gitna ng malaking kontribusyon ng lahat ng retail, property, at banking businesses nito.
Sa disclosure sa Philippine Stock Exchange kahapon, sinabi ng Syled conglomerate na ang consolidated revenues ng SM ay nasa P501.7 billion, mas mataas ng 12% mula sa P449.8 billion year-on-year.
“We had a good year in 2019 with all our core businesses delivering strong revenue and profit growth. The Retail Group added over 400 stores nationwide whilst the Property Group sustained its growth momentum led by residential and commercial developments. The Banking Group had a particularly good year as net income improved,” pahayag ni SM president Frederic DyBuncio.
“We are confident about the long term growth potential of the country and we will continue to expand. We are committed to maintain a strong balance sheet that gives us the financial flexibility to fend off short term risks and to take on opportunities that may come our way,” sabi pa ni DyBuncio.
Tumaas ng 9% sa P366.8 billion ang revenue sa operasyon sa ilalim ng SM Retail Inc., na kinabibilangan ng non-food (THE SM STORE at specialty stores) at food stores (SM Markets).
Sa pagtatapos ng 2019, ang SM Retail ay may kabuuang 2,799 outlets, na kinabibilangan ng 65 THE SM STORES, 1,609 specialty retail outlets, 58 SM Supermarkets, 52 SM Hypermarkets, 201 Savemore, 60 WalterMart, at 754 Alfamart stores.
Ang SM’s property arm SM Prime Holdings ay nagtala naman ng consolidated net income growth na 18% sa P38.1 billion mula sa P32.2 billion sa likod ng 14% pagtaas sa revenues sa P118.3 billion mula sa P104.1 billion.
Samantala, ang local mall revenues ay nagposte ng 8% pagtaas sa P57.8 billion sa likod ng 7% same-mall-sales growth sa lahat ng mature malls.
Ang kinita sa cinema at event ticket sales ay nagtala naman ng 6% growth sa P5.5 billion.
Tumaas din ang revenues mula sa amusement, merchandise sales at iba pa ng 15% sa P3.9 billion.