PUMASA sa isinagawang validation ng Technical Working Group ng Benguet Provincial Mining Regulatory Board (PMRB) ang pitong asosasyon ng Small Scale Miners (SSM) sa bayan ng Itogon para mabigyan sila ng temporary permit-to-operate.
Ang pito ay kinabibilangan ng Young Gold Tokmo Binatangan, Tirad Tuding, UICLA-Ucab, Acuccla, Chosol, Camp 5, Acupan at Camp Balingway Sangilo Small Scale Miners Association.
Isinagawa ang validation ng mga kasapi ng technical working group ng PMRB sa first quarter ng taon mula sa mahigit 20 aplikasyon.
Ang validation sa mga minahan at grupo ng minero ay bahagi ng proseso na sinusunod ng PMRB para mabigyan ng temporary permit-to-operate ang mga SSM habang hinihintay ang pag-apruba sa Minahang Bayan. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.