MAS nadagdagan ang bilis ng nauna nang pinatulin na PLDT wireless subsidiary Smart Communications, Inc., (Smart) ng Long Term Evolution (LTE) at LTE-Advanced sites sa buong bansa at lalong lumawak ang mobile data usage, na nadagdagan ang paglago kaysa sa unang kalahating taon.
Sa ngayon, higit pa sa 60 porsiyento ng Smart sites sa buong bansa ang in-upgrade sa LTE, habang 62 porsiyento ng Smart LTE sites ay LTE-A capable. Sa gitna ng network upgrade efforts, ang mobile data traffic ay lumago pa ng 79 porsiyento sa unang kalahating taon ng 2018 kumpara sa unang kalahating taon ng 2017.
Itinaas din ng Smart ng hanggang 5-component-carrier (5CC) aggregation sa Metro Manila na pinakamaraming populasyon, ang Quezon City. Nauna nang na-activate ang 5CC sa Boracay at Marikina, kung saan ang mahigit na 500 Mbps ay nakuha gamit ang 5CC-capable smartphones tulad ng Samsung Galaxy S9.
Ang carrier aggregation (CA) ay isang feature ng LTE-A na nagbibigay-daan sa kombinasyon ng dalawa o mahigit pa na radio frequency bands para makapag-deliver ng mas malaking bigger bandwidth at mas mabilis na data speeds sa mobile phone users. Ang 2-Component Carrier (2CC) aggregation ay nagtataglay ng kombinasyon ng dalawang frequencies, habang ang 3CC ay may kombinasyon ng tatlong frequencies, 4CC ay kombinasyon ng four bands, at ang 5CC naman ay limang bands.
PINAKAMABILIS NA NETWORK
Bilang resulta ng ramped-up rollout, patuloy na nangunguna ang Smart pagdating sa LTE download speeds, at patuloy din sa pagpapasikip ng gap sa kanilang kakumpetensiya pagdating sa LTE availability, ayon sa pinakahuling Mobile Networks Update ng independent mobile analytics firm na OpenSignal.
“The report, which covers the months of May to July this year, showed Smart LTE download speeds nationwide at 13.09 Mbps, well ahead of the competitor’s 7.34 Mbps. In terms of LTE availability, Smart has now narrowed the lead to under 4 percentage points at 64%, compared to competition’s 67.79%,” ayon sa report.
“Across all measured areas, Smart also led in LTE download speeds: at 15.24 in National Capital Region (vs. 8.43 Mbps); 13.48 Mbps in North Central Luzon (vs. 6.02 Mbps); 10.59 Mbps in South Luzon (vs 6.47 Mbps); 10.49 Mbps in the Visayas (vs 7.42 Mbps); and 12.23 Mbps in Mindanao (vs 6.95 Mbps).
“In terms of LTE availability, Smart LTE now leads in the Visayas at 65.95% (vs 62.29%) and is further closing the gap in Metro Manila at 78.55% (vs 79.73%),” dagdag pa ng report.
IMPROVING LIVES
“Technology and connectivity have a direct impact on people’s lives. With this accelerated rollout of LTE, LTE-A and carrier aggregation across the country, we are not just improving speeds. We are also connecting families, empowering entrepreneurs and small businesses, and boosting local governments,” pahayag ni Mario G. Tamayo, PLDT and Smart senior vice president for network planning and engineering.
Ang iba pang smartphones na handog ng Smart ay ang Samsung Galaxy Note 9, Huawei P20 series, Huawei Mate 10, Samsung Galaxy J2 Pro, at Oppo F5, at iba pa.
NTC COMMITMENT
Dahil sa integrated network transformation efforts, pinarangalan ang PLDT at Smart kamakailan bilang pinakamabilis at fixed at mobile networks para sa Q1-Q2 2018, ayon sa pagkakasunod, ng Ookla, ang global leader sa internet testing at analysis.
Patuloy ang Smart sa pagtupad ng kanilang commitment sa National Telecommunications Commission para masakop ang 90% ng siyudad at mga bayan sa bansa ng mobile data service bago matapos ang taon.
Comments are closed.