HUMIGIT-KUMULANG 1,500 taekwondo jins mula sa mahigit 50 koponan ang magbabalik-aksiyon sa face-to-face competition sa pagratsada ng 2022 Smart/MVP Sports Foundation National Taekwondo Poomsae Championships sa Hulyo 16-17 sa Ayala Malls sa Manila.
Ipinahayag ng Taekwondo Philippines na tanging mga full-vaccinated na manlalaro ang pinapayagang lumahok sa kompetisyon na magsisimula sa alas-9 ng umaga. Inaanyayahan ang mga mahilig sa martial arts at sports aficionados, lalo na ang mga bata na interesado sa sport na manood sa kompetisyon.
Ang mga kalahok ay mula sa iba’t ibang rehiyon, kabilang ang Rehiyon 1,2, 3, 4, 4A, 4b, 6A, 6B, 7, 8A, 10A, BARMM, CAR, pati na rin ang NCR. Bukas ang kompetisyon sa apat na kaganapan katulad ng: Indibidwal, Pares, Koponan, at Libreng Estilo para sa mga may kulay at blackbelts. Ang maagang nagparehistro ay ang mga nangungunang poomsae squad mula sa FEU, Ateneo, Xavier School, Meta Gym, Superbodies, UP Diliman, St. Paul of Paranaque, DPS , at PNP.
Ang torneo ay suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC) at MILO.
EDWIN ROLLON