SMART, PATULOY ANG SUPORTA SA FIBA WORLD CUP SA QATAR

NATAPOS  na rin ang dalawang linggong bakbakan at tagisan ng galing ng mga koponan sa larangan ng basketbol mula sa iba’t ibang bansa. Kinalaunan ay nagwagi ang bansang Germany kontra Serbia na inukit sa kasaysayan ng FIBA. Ito kasi ang kauna-unahang korona ng bansang Germany mula nang itaguyod ang FIBA.

Bigo man ang Gilas Pilipinas sa kanilang planong makakuha ng siguradong puwesto para sa 2024 Paris Olympics, ang magandang laro natin kung saan tinambakan natin ang China ay nagbigay muli na puwang na makalahok muli sa Olympic Qualifying Tournament. Dito ay muling bumukas ang bintana ng pag-asa na makakuha tayo ng pagkakataon na maglaro ang Gilas Pilipinas sa Paris Olympics.

Subalit may mas magandang balita ako. Alam naman natin na medyo mataas ang presyo ng tickets noong nakaraang torneo ng FIBA sa ating bansa. Kaya naman ang pagpasok ng Smart Communications, Inc. (SMART) sa FIBA World Cup ay naging mas accessible ang panonood ng lahat ng laban ng FIBA World Cup.

Pagkatapos na nakuha natin ang record na may pinakamaraming nanood ng pasimula ng nasabing torneo na umabot sa 38,115 na katao na ginanap sa Philippine Arena sa lalawigan ng Bulacan, patuloy pa rin ang ang mga basketball fans na nanood sa Araneta Coliseum at sa Mall of Asia Arena.

Subalit sa mga walang panahon o kaya naman hindi kaya sa budget na makapanood sa mga nasabing lugar, ang SMART ay pinalakas ang ang kanilang mobile internet connection sa paligid ng Araneta Coliseum at sa MOA Arena.

Kaya naman ang mga basketball fans natin ay tuwang tuwa sa paggamit nila ng social media sa mga kaganapan sa FIBA World Cup.

Dagdag pa rito ay ang mga display na nakikita natin sa Araneta Coliseum, lalong lalo na ang pag aayos ng malaking display dati ng mundo sa Mall of Asia at ginawang isang malaking basketball.

Maganda at maayos ang mga masasabi nating dekorasyon at palamuti sa kapaligiran ng mga palaruan. Mga malalaking LED billboards din ang naka-display sa mga piling lugar. Kaya naman pati ang mga banyaga na bumisita sa Pilipinas ay ramdam na ramdam nila ang tila nagmistulang pista sa Manila.

At heto pa, tila natuwa ang FIBA sa ginawa ng Smart Communications Inc. kaya naman kabalikat pa rin sila para sa preparasyon at sa pagdarausan ng FIBA World Cup 2027 sa Doha, Qatar.

Tandaan, ang SMART ay isang korporasyon mula sa Pilipinas. Maraming mga telecommunications sa mundo. Subalit pinili pa rin nila ang Smart Communications Inc. Hindi ba nakakataba ng puso at dapat na ipagmalaki ito sa mundo?

Nanalo man ang Germany sa katatapos na FIBA World Cup. Natalo nga ang Gilas Pilipinas. Subalit panalo ang Pilipinas dahil sa magagandang iniwan na alaala mula sa mga puri at komento ng mga opisyal ng FIBA, mga banyagang manlalaro, foreign media at mga turista na nanood sa ating bansa.

Mabuhay ang Pilipinas!