SMART-PLDT INULAN NG REKLAMO MULA SA NETIZENS

SMART - PLDT

NAGING trending topic sa social media ang Telecommunications company SMART-PLDT makaraang ulanin ito ng mga reklamo mula sa netizens dahil sa malawakang fiber outage noong Lunes ng gabi.

Ang mga apektadong lugar ay ang San Luis, Aurora; Batangas City; Calamba, Laguna: Taytay, Rizal: Manila; Mandaluyong; Gamay, Northern Samar; Talisay City, Cebu; Iloilo City; Cebu City; Pilar, Bohol; Cagayan De Oro; Misamis Occidental; Isabela, Basilan; Davao City; at  Isabela, Basilan.

Binatikos ng mga galit na netizens ang SMART- PLDT dahil sa  outage na nangyari nang wala umanong abiso at nakasira sa kanilang pang-araw-araw na gawain.

“PLDT brags about claims of fastest speeds in the country, and network superiority— these are cheap if it can’t put its money where its mouth is,” sabi ng isang subscriber.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga reklamo ng mga subscriber.

“I have my studies and my work. I cant make it on time because of the slow internet connection. We just payed our bill and this is what we get? Apurado kaymo ug maningil pero inig mabayran murag soso sa kahinay inyong connection.”

“Do we need more than we pay? NOPE. Just let us have right internet connection as we pay. This is too far from what I pay for every month!”

“Update naman dyan realtime kung mag eExpect kaming down para hindi kami mabuang sa workhome. Wala na kaming sweldo! Nov 9 2021.”

“HOOOOYYY NAKA BREAK AKO. PAGBALIK KO, NAKA DISCONNECT NA AKO SA VPN!!! I STILL HAVE WORK TO DO!”

“HUYYYYY ANOOOO NAAAA DI USO ANG MAG UPDATE HA?”

“PLDT whats wrong? may raffle promo pa to get a free one year 1gbps internet speed eh ngayon halos hindi maka-akyat sa 3mbps ang DL speed nyo. 25mbps ang binabayaran ko. ano ba?”

“ANO NA PLDT, GALAW GALAW MGA YAWA!

SInce SAturday pa PLDT internet connection issues. Until today Monday Nov 8, 2021 8:06 PM.. Please let us know when it will be resolved. May trabaho ako. Internet based. !!”

“back from 6 hours ago, people are complaining bout download speed being slow despite the fact speedtest has low ping given, i too is experiencing the issue, is there a maintenance? if so , why not post it in the Fb page?, PLDT complaints has now rose, but that aside , i hope you bring back the strong connection given before, we are really hoping for online classes continuing , learning and fun etc.”

“MALAKAS KAYO SA SPEEDTEST PERO SA ACTUAL SURFING PLS MAHIYA NAMAN.”

Samantala, hindi kinagat ng mga market investor ang pahayag ng bilyonaryong si Manny V. Pangilinan na ang PLDT (TEL) was “undervalued” kumpara sa mga kalaban nitong  Globe Telecom (GLO) at Converge Information and Communications Technology Solutions (CNVRG).

Makaraang ihayag ni Pangilinan sa media at market analysts ang murang presyo ng TEL noong November 4 at 5, ayon sa pagkakasunod, iniangat ng mga investor ang CNVRG (up six percent ) at GLO (up three percent) habang bumaba ang TEL  (down .61 percent) noong November 8.

Pagdating sa market cap, ang CNVRG ay nagdagdag ng P28 billion sa P265 billion at ang GLO ng P20 billion sa P441 kasunod ng pahayag ni Pangilinan. Nanatili naman ang TEL sa P354 billion.