Ang smart device ay isang wired o wireless context-aware electronic device na nagsasagawa ng autonomous computing at kumukunekta sa iba pang devices kapalit ng data. May tatlong features ang smart device: (1) context awareness, (2) autonomous computing and (3) connectivity.
Mahalaga ang role ng artificial intelligence upang mapatakbo ang mundo in a smarter and smoother way. Hindi lamang ito kumukumbinsi sa mga tao na kumilos para mapadali ang ating buhay at wala pang hassle, kundi upang mapasimple rin ito at makatipid sa oras.
Ipinakikilala ngayon 2024 ang smarter devices na magpapagaan sa ating buhay. Pinagtrabahuhang mabuti ito ng mga data scientists gamit ang mga AI home robots, appliances, work devices, wearables, at marami pang iba! Halos lahat ng trabaho ngayon ay nangangailangan ng para mapadali ang trabaho at mas maging manageable. Isa na namang karagdagan ang smarter devices sa IT industry na may high requirement and demand dahil lumipat na ang maraming kumpanya sa digital spaces. Halos lahat na ng matataas na lebel ng trabaho ay nangangailangan ng maganda at mabuting IT and automation proficiency upang makasabay sa modernong panahon. Kaya nga ang pinaka-in-demand na trabaho sa kasalukuyan ay ang mga sumusunod: IT Manager, Data Scientists, Product Testers, Product Managers, Automation Engineers, IT Researchers.
Of course, hindi pa rin naman nawawala ang mga teacher, duktor, abogado, engineers at kung anu-ano pa, ngunit lahat ng iyan ay nangangailangan pa rin ng technology.