SMB ‘DI NA INTERESADO KAY SLAUGHTER

on the spot- pilipino mirror

DAHIL bumabalik na ang husay sa paglalaro ni June Mar Fajardo ay wala nang plano ang kampo ng San Miguel Beer na kunin pa si Greg Slaughter sa team.

Unang plano kasi ng Beermen ay kunin si Greg upang maging katulong ni Fajardo sa team kung hindi pa 100% ang laro nito sa Philippine Cup.

Nakita ni coach Leo Austria na balik ang husay ni Kraken kaya wala na silang interest na kunin pa si Slaughter.  OKs na raw sina Fajardo at Mo Tautuaa sa kanila.

vvv

Magandang balita pa rin sa fans ng SMB dahil posibleng makabalik na sa hardcourt si Terrence  Romeo  pagkatapos nitong magtamo ng shoulder injury sa unang laro ng SMB sa Philippines Cup. Balita ng On the Spot, sumasama na sa ensayo si Romeo.

Dahil pansamantalang nahinto ang mga laro ng PBA sa Ynares  Sports Arena sa Pasig matapos na muling isailalim sa ECQ ang buong  NCR ay nagkaroon ng pagkakataon si Romeo na makapagpalakas pa lalo at makabalik sa paglalaro.

Posibleng payagan na ipagpatuloy sa Batangas ang mga laro ng  PBA.  Mini bubble games ang gagawin ng liga dahil hindi na kaya ng mga team na gumastos ng malaki sa Batangas Ang 12 teams ang sasagot sa pagkain ng mga player. ‘Di pa malaman kung ang tutuluyang mga  hotel ay sagot din ng mga koponan.

Hindi kasi puwede na araw-araw na bibiyahe  ang mga player para umuwi sa kani- kanilang tahanan at delikado rin sa kanilang kalusugan. Saka malamang ay hindi rin sila payagan ng IATF. Hinihintay na lang ng PBA kung ano ang kasagutan ng IATF sa requesr  ni Kume Willie Marcial hinggil sa pagbabago ng venue ng PBA games.

vvv

Congratulations  sa ating mga atletang Pinoy na sumabak  sa Tokyo Olympics. Malaking karangalan ang naiuwi nina Nesthy Petecio, Eumir Marcial at maging nina EJ Obiena at Carlos Yulo. Bagaman hindi gold medal ang kanilang dala sa ating bansa tulad ni Hidilyn Diaz, malaking bagay ang ipinakita nila sa Tokyo Olympics.

Si Petecio ay nagwagi ng silver medal, habang si Marcial ay bronze. Si Yulo naman ay 4th place sa gymnastics at tumapos sa 11th place si Obiena sa pole Vault.

Ngayong ala-1 ng hapon naman  ang laban  ni Carlo Paalam para sa medalyang ginto. Ipagdasal natin siya.

Congratulations po sa inyong lahat.

8 thoughts on “SMB ‘DI NA INTERESADO KAY SLAUGHTER”

  1. 547307 105803Hey. Neat post. There is really a issue with your site in firefox, and you could want to check this The browser could be the market chief and a large component of other folks will omit your exceptional writing because of this issue. 644354

  2. 440757 446540Youre so cool! I dont suppose Ive read anything such as this before. So nice to get somebody with some original thoughts on this topic. realy we appreciate you starting this up. this fabulous web site are some things that is required on the internet, somebody with just a little originality. beneficial function for bringing a new challenge on the world wide web! 361040

Comments are closed.