SMB KABADO SA NORTHPORT

on the spot- pilipino mirror

SA UNANG paghaharap ng San Miguel Beermen at NorthPort Batang Pier para sa kanilang best-of- three quarterfinal duel ay nanalo ang una, subalit nanginig muna ang  tuhod ng mga player ni coach Leo Austria bago naungusan ang  Batang Pier dahil sa 3 points na nagawa ni Robert Bolick para lumamang ang Batang Pier ng isang puntos, 87-86, may 5.01 segundo ang nalalabi.

Salamat sa winning layup ni Alex Cabagnot at naitakas ng Beermen ang 88-87 panalo. Nakawala si Cabagnot sa bantay nito na si Sidney Owunbere.

Medyo kabado ngayon ang Beermen dahil buo ang loob ng mga player ni coach Pido Jarencio na nakikipagsabayan sa mga manlalaro ng SMB. Kaya pinabalik nila itong si Terrence Romeo sa team upang makatulong sa muling paghaharap ng dalawa sa Game 2. Last Saturday pa bumalik sa Bacolor, Pampanga si Romeo na hinihintay na lamang ng team ang clearance ng player na kung puwede na itong muling  maglaro.

Sa totoo lang ay very exciting ang bawat laro ng mga team na nasa quarterfinals. Wala kang tulak kabigin, lahat lumalaban nang sabayan.

vvv

May vlog na rin itong si James Yap. Nakailang palabas na rin ito ng kanyang vlog sa YouTube. Ang una ay nagpakilala muna siya, at ipinakira ang hotel nila kung saan sila tumutuloy at ang iba pang teams sa semi-bubble.

Humihingi nga ito ng pasensiya sa kanyang mga fans dahil hindi pa siya sanay na mag-vlog. Ayon nga kay Yap, nakakasakit ng kilikili kasi nga ay hawak-hawak lang niya ang kanyang cell phone. Sa ilang araw pa lang ni James sa kanyang vlog ay pinutakte na ito ng kanyang supporters.

Paghahanda ba ito ni Yap para sa kanyang candidacy bilang councilor sa San Juan City?

Tama lang kasi ay hindi na rin gaanong ginagamit si James, may limitasiyon na rin ang kanyang oras sa hardcourt. Katunayan, pati sa kanyang free throw ay sumasablay na, ibig sabihin ay puwede na rin siyang magretiro.

vvv

Magaling pala itong si Santi Santillan ng Rain or Shine. Si Santillan ay mula sa La Salle Green Archers. Shooter ang player at matangkad pa ito. Malayo ang mararating ng batang ito. Hindi takot tumira sa three-point teritory dahil alam niyang gamay niya ang kanyang shooting.  Siguradong marami na ang  nag-aabang na Ibang team sa kanya dahil taglay niya ang husay sa paglalaro, malakas ang depensa. Sayang nga lang at talo ang ROS sa Magnolia Pambansang Manok , 81-70, sa Game 1 ng best-of-three nila ng Elasto Painters.

7 thoughts on “SMB KABADO SA NORTHPORT”

  1. 352344 863828This really is such a great resource that you are offering and you offer out at no cost. I appreciate seeing web sites that realize the worth of offering a perfect beneficial resource completely free of charge. I genuinely loved reading your submit. 995593

Comments are closed.