(SMB, Meralco sa kauna-unahang PBA finals showdown) BAKBAKANG UMAATIKABO

PINANGUNAHAN nina Commissioner Willie Marcial, SMB Team Governor Robert Non at Meralco Team Governor Atty. Bill Pamintuan ang PBA 48th Season Philippine Cup finals press conference kahapon sa Crowne Plaza Hotel sa Ortigas, Pasig City. Kuha ni RUDY ESPERAS

Sa ginawang faceoff sa press conference ginawa sa Crown Plaza Hotel sa Ortigas,

KAPWA nagpahayag ng kahandaan sina San Miguel coach Jorge Gallent at Meralco mentor Luigi Trillo sa kanilang PBA Philippine Cup best-of-seven titular showdown na magsisimula sa Miyerkoles sa Araneta Coliseum.

“Interesting ang matchup. This is good for PBA fans,” sabi ni SMB Team Governor Robert Non sa isang press conference kahapon sa Crowne Plaza  Hotel sa Ortigas, Pasig City.

First time maghaharap ang Beermen at Bolts sa finals, gayundin sina Gallent at Trillo.

Sinabi ni Gallent na pinaghandaan nila ang serye dahil gusto nilang mapanatili ang korona.

“We prepared for this championship. We cannot afford to lose in the finals. Our goal is to win the crown nothing more, nothing less. We will work hard and play our best out there,” sabi ni Gallent.

Ito ang ika-45 championship appearance ng Beermen at pangalawa ni Gallent matapos palitan si Leo Austria.

Kumpiyansa rin si Trillo sa kanyang tsansa na masugkit ang una niyang PBA title matapos gumanap na assistant coach ni Norman Black sa loob ng siyam na taon

Gayunman ay aminado si Trillo na mabigat ang kanilang pagdaraanan para makamit ang kanilang inaasam.

“It’s a tough job for us. This is a Herculean job because our final rival is loaded with talents. A chance is a chance. We will go for it no matter how tough and difficult it is. Our goal is to win the crown,” sabi ni Trillo, na kasama ang kanyang mga player sa pangunguna nina  Chris Newsome, Chris Banchero at Allein Maliksi.

Hindi pa nagkakampeon ang Meralco mula nang sumalii sa PBA noong 2010.

Sa tao ay nakalalamang ang SMB sa Meralco dahil sa presensiya ni June Mar Fajardo na suportado ng “magnificent seven” nina CJ Perez, Marcio Lassiter, Terrence Romeo, Chris Ross, Jericho Cruz, Don Trollano at Simon Enciso.

CLYDE MARIANO