MAGLALARO ang San Miguel Beer at TNT sa East Asia Super League (EASL).
Nakuha ng Beermen at Tropang Giga ang karapatang katawanin ang PBA sa inaugural home-and-away tournament ng rehiyon makaraang maisaayos ang title showdown sa Philippine Cup.
Ang dalawang koponan ay sumabak din sa EASL Terrific 12 noong 2019 kasama ang Blackwater, kung saan umabante ang Beermen sa semifinals ngunit yumuko sa eventual champion Liaoning Flying Leopards.
Ang Game 1 ng best-of-seven series ay magsisimula sa Linggo sa Araneta Coliseum.
Sino man sa Beermen at Tropang Giga ang tanghaling kampeon ay mapupunta sa Group A kasama ang KGC, Ryukyu Golden Kings, at Taipei Fubon Braves.
Ang runner-up ay makakasama naman ng Seoul SK Knights, Utsonomiya Brex, at Bay Area Dragons sa Group B.
Ang EASL Season 1 ay lalarga sa October 12 na may tig-isang laro sa Seoul at Manila.
Ang all-Filipino Cup champion ay bibiyahe sa Korea at haharapin ang Anyang KGC na ipaparada si Filipino recruit Rhenz Abando, ang NCAA Rookie-MVP mula sa Letran.
Sa Manila, ang Philippine Cup runner up ay magiging hosti sa Bay Area Dragons.
Napili rin ang bansa bilang site ng kauna-unahang EASL Ang Final Four ay gaganapin sa March 3-5 sa susunod na taon.