SMC HANDS OFF SA PERSONAL NA PROBLEMA NI SCOTTIE THOMPSON

on the spot- pilipino mirror

MAINIT pa rin ang usap-usapan sa pagpapakasal ni Ginebra player Scottie Thompson sa kanyang new girl kamakailan.

Ikinasal si Thompson kay Jingky Serrano ng Mabalacat, Pampanga  sa isang civil wedding sa Las Pinas.

Si Serrano ay isang flight attendant at may sariling negosyong beauty clinic at kilala rin ito sa kanyang madalas na pag-TikTok at pagbibigay ng beauty tips sa pagme-make up.

Kilala rin umano si Jing, palayaw ng misis ni Thompson, ng kanyang mga kaibigang player.

Inamin naman ng dating NCAA player na siya ang may kasalanan kung bakit sIla nagkahiwalay ng kanyang long-time girlfriend na si Pau Fajardo. College days pa lang sa University of Perpetual System Dalta  ay sIla na ni Scottie hanggang sa mapunta na sa PBA ang player.

Ang huling masayang pagsasama nina Pau at Scottie ay nang mag-propose ang player sa dalaga noong Jan 1, 2021. Kung tutuusin ay kasal na lang ang kulang sa dalawa sa walong taon nilang relasyon.

Sabi nga ng ibang pasaway, “Sa iyo nag-propose pero iba ang pinakasalan.”

Sa pangyayaring ito ay marami talaga ang nagulat at sa Ibang babae napunta ang sikat na player ng  Gin Kings.  Ayon nga kay Thompson ay sinunod lang niya ang tinitibok ng kanyang puso. Hindi na raw siya maligaya sa piling ng dating nobya.

Hindi naman makikialam sa personal na problema ni Scottie ang SMC. Pangatawanan lang ng basketbolista ang kanyang ginawa at iba naman daw ang kontratang pinirmahan nito sa team. Bahala na umano ang player na umayos sa personal nitong problema. Basta ang kailangan ay pagdating sa paglalaro  ay naka-focus  ito.  Walang katotohanan na dahil sa  problemang kinasasangkutan ay iti-trade ito tulad ng Isang player mula sa sister team  na nambabae at nanakit ng asawa. Ibang kaso naman Ito. Sa panig ni Thompson ay hindi pa naman sila mag-asawa ni Ms Fajardo. Tuloy lang ang ligaya ng ‘never say die‘ fans dahil mananatili sa kampo ng Ginebra si Thompson .

Samantala, dahil sa hiwalayan blues nina Scottie at Pau ay mukhang naapektuhan ang pagiging best of friends nina  Thompson at Aljon Mariano. Hindi nga ba nagkikibuan ang dalawang players sa kanilang practice? Alam natin na sa lahat ng lakaran ay laging magkasama ang mga ito, kasama ang kani-kanilang nobya .

Sa  fans ng Brgy Ginebra, sana ay isama ninyo sa panalangin si Ms Fajardo na maka-move on agad at malagpasan ang pinagdaraanan niya ngayon. Kahit sinong babae ay masasaktan sa nangyari. Kumbaga sa basketball, nandoon na isu-shoot na lang ang bola ay na-steal pa ni Jingky kaya siya ang nanalo sa laban ng pagmamahalan.

4 thoughts on “SMC HANDS OFF SA PERSONAL NA PROBLEMA NI SCOTTIE THOMPSON”

  1. 559755 963621Hi! I discovered your site accidentally today, but am actually pleased that we did! Its not only entertaining, but in addition straightforward to make use of in contrast to lots that Ive viewed! 990713

  2. 454649 126240Hello there. I needed to inquire some thingis this a wordpress web site as we are thinking about transferring across to WP. Moreover did you make this theme all by yourself? Cheers. 906873

  3. 441142 121243To know wisdom and instruction, to perceive the words of understanding 306248

Leave a Reply

Your email address will not be published.