TINIYAK kahapon ni San Miguel Corporation (SMC) president and chief operating officer Ramon S. Ang sa publiko na matatag ang supply chain ng kompanya at may sapat itong inventory upang pakainin ang mga Filipino sa buong bansa sa susunod na mga buwan.
Ginawa ni Ang ang pahayag upang bigyang-diin na hindi dapat mag-panic sa gitna ng COVID-19 pandemic.
“As far as food supply is concerned, we have the capability to produce enough for everybody and deliver to supermarkets,” aniya, at idinagdag na tinatrabaho na ng kompanya ang pamamahagi ng food donations sa mahihirap na komunidad kung saan labis na naapektuhan ang daily paid workers.
Magsu-supply rin ang San Miguel ng pagkain sa public hospitals at mga piling government center.
Ani Ang, ang pinakamahalaga sa lahat ay nagkakaisa at nagtutulungan ang mga Filipino.
“It is our sense of duty and obligation, pagkakaisa and malasakit that will see us through these difficult times.”
“Panic has no purpose at this time. Follow the directives of our government; cooperate in every way. This is the best way we can all help in fighting the Covid-19 virus, while the quarantine is in effect,” dagdag pa niya.