SMEs LUMAGO ANG NEGOSYO SA MGA PROGRAMA NG DOST

PINANGUNAHAN ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Pena ang pagbisita sa mga natatangging proyekto na ipinatutupad ng DOST-CALABARZON.

Sa kanyang 2-day visit kasama si Regional Director Ms. Emelita Bagsit ng DOST-CALABARZON ikinagalak ni Sec. Dela Pena ang mga nakitang matatagumpay na proyekto na natulungan ng DOST-CALABARZON.

Ikinatuwa naman ng DOST chief ang patuloy na pagbabago at paglago ng negosyo ng small and medium enterprises (SMEs) beneficiaries mula sa mga programa ng DOST.

“Nasorpresa ako sa nakita kong malaking pagbabago ng mga natulungan natin sa DOST, malaki rin ang improvement dahil sa research and development,” wika ni Sec. Dela Pena.

“We are very excited to have our good Secretary in the region to showcase our programs and projects aligned with DOST’s goal to bring science closer to the people. This visit aims to show how DOST-CALABARZON’s S&T assistance impacted our MSMEs and communities in the region,” saad naman ni Bagsit.

Kabilang sa innovative projects na binisita ni Sec. Dela Pena ay ang DOST Technology in the Region for Upscaling of Community Knowledge (DOSTRUCK), isang mobilefood processing hub na makikita sa Magallanes, Cavite at ang Sustainable Community-based Vegetable for Bukid Kabataan Center Project katuwang ang Caritas Manila, Inc. na nasa Gen. Trias, Cavite na nabuo sa pakikipag tulungan din ng DOST-MIRDC at DOST-PCAARRD gayundin ang Dough Manufacturing and Trading Corp.; Persons with Disability Organization sa Carmona, Cavite at De Castro Industrial Sales & Services, Inc. na isa sa best SETUP adopter sa Laguna.

Ilan pa sa binisita ng kalihim ay ang mga natulungan ng Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) at Grants-in-Aid Community-Based Project (GIA-CBP) gayundin ang Cabuyao City Operation Center upang makita ang Universal Structural Health Evaluation and Recording System (USHER) kasama na dito ang CDO Foodsphere, Inc. bilang isa sa DOST-FNRI licensed E-nutribun producers at ang DOST-CALABARZON’s partners sa Enhanced Nutribun Feeding Program sa Laurel at Talisay, Batangas.

Nakatakda rin puntahan bukas ng DOST chief ang SETUP project na Batangas Egg Producers Cooperative (BEPCO); SM Sunrise Weaving Association at C&H Cosmetic Industry na pawang natulungan din ng DOST-CALABARZON. BENEDICT ABAYGAR, JR.