SMOKEY MANALOTO NAKABALIK NA SA KAPUSO

EXCITED ang actor na si Smokey Manaloto na muling makatapak at mapasama sawallface highest rating primetime show ng GMA-7 na “The Gift” na pinagbibidahan ni Alden Richards. Papel nang isang matinong pulis ang gagam­panan ni Smokey at tutulong siya kay Alden na mahuli at mapakulong ang kontrabidang si Martin del Rosario.

Say pa rin ni Smokey, halos tumagal din ng 24 years bago siya mu­ling gumawa ng proyekto sa GMA-7 kaya ganu’n na lang ang kanyang kasaya at muli na naman niyang makakatrabaho ang mga artistang hindi na niya nakasama habang nasa ABS-CBN pa siya. Aminado rin si Smokey na isa siyang Alden Richard fan kung kaya nang ialok sa kanya na mapasama sa “The Gift” ay hindi na raw siya nagdalawang-isip pa. Sa first taping day niya sa GMA-7 ay nalubos ang paghanga niya kay Alden sa pagiging mabait at magalang na aktor.

JUDY ANN SANTOS MAGANDA ANG TAONG 2019

NAGING maganda para kay Judy Ann Santos ang pagtatapos ng taon 2019. Ngayon taon kasi nagbukas ng kanyang negosyo si Juday ang Angrydobo Restaurant at may isa agad itong branch na nagbukas sa taon din ito, sa Alabang area naman. Nagbalik teleserye din ang byuti ni Juday via Starla na super hit rin sa televiewers. Nakopo pa niya ang best actress awards para sa movie na “Mindanao” sa katatapos lang na A-Lister Cairo International Filmfest sa Egypt.

Sa pangyayaring ito, marami tuloy ang nagsasabing may malaking chance din na si Juday ang tangha­ling best actress ngayon Metro Manila Film Festival 2019, kung saan ay kasama ang “Mindanao” bilang isa sa official movie entry. Say ni Juday, ayaw raw niyang isipin ang bagay na ito dahil lahat naman ng actress ay may fair chance na manalo. At sa pagpasok naman ng bagong taon ay sisimulan na agad ni Juday ang biopic movie ni Mother Lily Monteverde. Labis-labis ang pasasalamat ni  Juday na siya mismo ang naging personal choice ni Mother Lily na gumanap sa pagsasapelikula ng kanyang buhay. Ani ni Juday, she cant say no, dahil si Mother Lily ang unang nagbigay sa kanya ng chance na magbida sa pelikula.

Comments are closed.