SMOKING BAN SA CDO SA OKTUBRE NA

SMOKING BAN

UMARANGKADA na ka­hapon ang information campaign ng lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro City para sa pagpapatupad ng smoking ban sa lahat ng pampublikong lugar sa Oktubre.

Magwawakas ang information dissemination hanggang Setyembre 30 at kinabukasan ay epektibo na ang pagbabawal sa panini­garilyo sa mga pampub-likong lugar.

Ang Smoke-Free Task Force ay ipapasa sa konseho para sa maliwanag na gabay sa pagbabawal nito at pagpapatupad ng awtoridad.

Sinabi ni CDO City Councilor Ma. Lourdes Gaane, chairperson  sa committee on health, na puntirya nila na makapasa na ang ordinansa bago matapos ang Setyembre upang maipatupad na ito sa susunod na buwan.

Alinsunod sa panukalang kautusan para sa lungsod, ang sinumang lalabag ay pagmumultahin ng hanggang P5,000.

Habang bibigyan ng dalawa hanggang tatlong linggo ang task force para pag-aralan at plantsahin ang ordinansa.

Mangunguna sa pagpapatupad ang Cagayan de Oro City Police Office katuwang ang mga barangay tanod.

“The implementing agency will be the Cagayan de Oro City Police Office as well as the Barangay ta­nods,” ayon kay Gaane.

Kinatuwang na rin ng task force ang Liga ng mga Barangay para sa malakas na enforcement sa community level.

Nilinaw rin ni Gaane  na ang mga smoker ay hindi lang pinagbabawalan sa paninigarilyo kundi mayroong itinalagang designated smoking areas (DSA) alin­sunod sa executive order 26  na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2018.

Batay sa EO 26, ang  DSA ay malayo ng 10 meters sa mga lagusan ng mga establisimiyento o mga daraanan ng tao habang isa lang ang DSA sa gusali at hindi rin pinahihintulutan  ang menor na makalapit sa DSAs.                EUNICE C.

Comments are closed.