SMUGGLED AGRICULTURAL PRODUCTS MULA CHINA NASABAT

Arsenia Ilagan

IPINAKITA sa media ng Bureau of Customs (BOC) Port of Manila ang 16 na container van na naglalaman ng mga misdeclared products na galing sa China.

Ang nasabing kargamento ay unang idineklarang mga fishball kung saan naka-consigned ito sa Shinerise Trading Service at ang customs broker na si Johnna Philipian Aceveda ang nag-process nito.

Ayon kay Port of Manila District Collector Arsenia Ilagan, Agosto 8, 2019 nang dumating ang kargamento kung saan idi-neklara ang duties at taxes nito ng mahigit sa P2.5 million.

Pero nang suriin nila ang karga nito ay rito na nakita na naglalaman ito ng sibuyas na nasa siyam na container van, carrots na nakalagay sa apat na container van, patatas na nasa dalawang container at isang container van ng broccoli.

TOTAL BAN SA PAG-ANGKAT NG BABOY MULA LUZON IPINATUPAD

NABAHALA ang ilang lalawigan lalo na ang mga may iniingatang industriya sa pagbababoy matapos ang kumpirmasyon ng Department of Agriculture (DA) na African swine fever (ASF) ang dahilan ng pagkamatay ng baboy sa Rizal at Bulacan.

Dahil dito nagpatupad ng 100 days total banned sa pag-aangkat ng baboy ang Negros Occidental.

Ayon kay Ronnie Domingo, chief ng Bureau of Animal Industry (BAI), nasa batas at nauunawaan nila ang paghihigpit ng local government units (LGUs) kung sila man ay magpatupad ng banned sa pag-aangkat.

Mas maganda rin aniya ang ginawa ng Negros Occidental upang hindi sila masingitan ng ASF.

Comments are closed.