SMUGGLED CIGARS WINASAK

ZAMBALES-WINASAK ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Subic ang nakumpiskang smuggled na mga sigarilyo bilang bahagi ng kampanya ng ahensiya laban sa smuggling.

Bukod sa naturang mga sigarilyo kasabay na sinira rin ang mga illegal assorted household goods at personal effects.

Ang mga sigarilyo ay nakapaloob sa 9×40 containers na tinatayang aabot sa P95,205,000.00 na pag-aari o naka-consigned ng kumpanyang nagngangalang Goldlink Int’l Subic Inc. na nag-operate sa Port of Subic.

“The shipments were destroyed through shredding, crushing, and dumping in an accredited facility of Greenleaf 88 Non-hazardous Waste Disposal in Pampanga,” ayon sa BOC.

Gayunpaman, ang hakbang na ito ng BOC ay mariing binatikos dahil ang mga sigarilyo ang pinagtutuunan ng pansin gayong mas marami ang ipinalulusot katulad ng mga Ukay-ukay na pag-aari ng Chinese national, at ibat-ibang mamahalin sasakyan.

Sa kasalukuyan, patuloy ang walang humpay na smuggling sa Port of Subic hinggil sa nagaganap na sabwatan sa pagitan ng ilang importers at tiwaling examiners, tauhan ng CIIS at Customs Police.
FROILAN MORALLOS