ISANG Jungkung- type vessel ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Navy, Naval Forces Western Mindanao sa karagatang sakop ng Lampinigan Island, lalawigan ng Basilan.
Ayon sa Naval Task Force 61 (NTF 61) nasabat nila ang isang Jungkung-type watercraft na may kargang tone-toneladang smuggled rice.
Sa impormasyong ibinahagi ni Capt. Jonathan Zata, tagapagsalita ng Philippine Navy habang nagsasagawa ng Maritime Security Patrol nang mamataan nila ang isang kahina-hinalang vessel.
Sinabat ng nasabing Navy unit ang kahina-hinalang sasakyan at laking gulat nila nang madiskubre ang tinatayang nasa multi milyong halaga ng sako-sakong bigas sakay ng watercraft.
Sinasabing mahigit 10,000 sako ng smuggled rice ang lulan ng M/L Jehan, na may sampung tripulante.
Nabatid na galing ito ng Labuan, Malaysia.
Sinasabing dadalhin sana ang mga bigas sa Zamboanga City.
Sa pagsisiyasat ay lumilitaw na walang importation documents ang mga bigas na tinatayang nasa P 12,000,000.00 ang market value.
Ang M/L Jehan ay ineskortehan patungong Ensign Majini Pier (EMP), Naval Station Romulo Espaldon, Bagong Calarian, Zamboanga City para sa kaukulang documentation.
“The successful foiling of the importation of smuggled rice is a result of an intensified naval presence and focused maritime patrol of the Philippine Navy in support to the Western Mindanao Command operations,” ani Zata. VERLIN RUIZ
965427 462523Im often to blogging and i in actual fact respect your content material. The piece has in fact peaks my interest. Im going to bookmark your content material and preserve checking for brand new details. 814294