NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port (MICP) ang tinatayang aabot sa P16 million ang halaga ng smuggled red onions galing sa bansang China.
Ang naturang kargamento ay pag-aari ng ASD Total Package Enterprises Inc. at dumating ito sa MICP nitong nakaraang Agosto 14 kung saan idineklarang 20,000 cartons of fresh apple.
Ayon kay Commissioner Isidro Lapeña kakaharapin ng ASD ang kasong criminal dahil sa paglabag sa Section 1400 (Misdeclaration, Misclassification, Undervaluation in Goods Declaration) in relation to Section 1113 (Property Subject to Seizure and Forfeiture) of the Customs Modernization and Tariff Act.
Kasamang kakasuhan ang customs broker na si Michael Miranda Sumile, sapagkat nilabag din nito ang Republic Act No. 10845 o iyong tinatawag na Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.
Ang pagkakahuli ng mga sinasabing ilegal na kargamento, ito ay resulta sa direktiba na ipinalabas ni Lapeña laban sa mga taga-MICP, na naglalayong ipadaan sa 100 porsiyentong eksaminasyon ang lahat na mga abandon at overstaying cargoes sa port na ito.
Samantala, ipinag-utos din ni Lapeña sa kanyang mga tauhan sa Cebu na i-release ang 7,000 sako ng bigas sa Port of Cebu para ipamigay sa mga biktima ng bagyong Ompong.
Kasama din sa ipamimigay ang 109 packages ng survival blanket, 153 packages ng mask, 350 boxes ng bedsheets/blankets/towel, at 1,332 boxes, damit, at 6,921 bags ng glutinous rice. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.