CEBU CITY- ISA na naman shipment na naglalaman ng mga bala, sex doll at iba pang smuggled goods na sinasabing itinago sa household items ang nasabat ng Bureau of Customs Port of Cebu nitong nakalipas na linggo.
Nadiskubre ang undeclared items matapos isailalim sa physical examination ng mga operatiba ng Enforcement and Security Services, Customs Intelligence and Investigation Service at Philippine Drug Enforcement Agency ang shipment na naglalaman ng personal at household items.
Ayon sa joint operatives, nadiskubre ang pointed pellets, numerous rounds of ammunition na walang kaukulang clearance mula sa Firearms and Explosives Unit-PNP.
Dito na nag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention si BOC District Collector Charlito Martin Mendoza matapos makitaan ng probable cause sa paglabag sa Sections 117 at 118 na may kaugnayan sa Section 1113 (F) at (L-5) ng Customs Modernization and Tariff Act.
Pinaalalahanan ng Port of Cebu ang publiko na suriing mabuti ang nature of goods para sa importation, kumuha ng necessary import permits at clearance, ideklara ang personal at goods upang maiwasan ang seisure at detention.
Pinanatili ng BOC sa ilalim ng leadership ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang mahigit na mandato para maprotektahan ang border ng bansa kaugnay sa direkyuba ni President Ferdinand Marcos Jr. MHAR BASCO