NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Port of Cagayan De Oro ang smuggled na mga red onion na tinatayang aabot sa P6 milyon ang halaga.
Ito ay lulan ng tatlong 40-footer container van, at naka-consign sa isang kumpanya ng frozen malt at wanton skin.
Ayon sa impormasyon ang agri-products na mga ito ay pinaniniwalaan galing sa China, at dumating ito sa Port of Cagayan De Oro noong October 15.
Nadiskubre na undeclared items ang nakasulat sa manipisto kung kaya agad ito inisyuhan ng alert order ng District collector, upang mag-undergo ang mga container ito ng 100 percents examination.
Matapos ang eksaminasyon nabisto ng examiner na taliwas ang nagging deklarasyon ng importer, dahil halip na mga frozen malt at wanton skin, bagkus red onions ang bumungad sa mga tauhan ng BOC, representante ng Chamber of Customs Brokers Inc., at ng Bureau of plant Industry.
Ayon sa port of Cagayan De Oro customs district collector ito aniya ay subject to seizure and forfeiture proceedings, bunsod sa paglabag ng Section 1400 of RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act, na may kaugnayan sa Section 3 ng RA 10845 o kilala na Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016. FROILAN MORALLOS