SMUGGLED RICE IPAMUDMOD SA MGA BINAHA

Senador Nancy Binay

UMAPELA si Senador  Nancy Binay kay Customs Commissio­ner Isidro Lapeña na ibigay na lamang sa De­partment of Social Welfare and Development (DSWD)  o  sa mga apektadong lugar na bi­naha,  ang 60,000 sako ng bigas na sinasabing smuggled.

Nakapanghihinayang umano na sa halip  na mabulok sa mga bodega   o containers vans  ang  smuggled rice ay makabubuting ipamigay ang mga ito  sa mga biktima ng kalamidad.

Tinukoy  ng senadora ang report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umaabot sa 820,000 katao o 187,000 pamilya ang naapektuhan ng habagat at ng bagyong Karding sa Region I at III, CALABARZON, CAR at sa Metro Manila.

Magugunitang iniulat ng Commission on Audit na mahigit sa P141 milyong halaga ng relief goods ang nabulok lamang sa mga bodega, na nadiskubre noong nakaraang taon.

Ang nasabing relief goods ay hindi umano naipamigay sa mga biktima ng mga kalamidad noong 2013 hanggang 2014  kaya  ibinaon na lamang ang mga ito.

Comments are closed.