SA PAGPAPATUPAD ng Rice Tariffication Law simula sa Marso 5, tiniyak ng pamahalaan na hindi na magkakaroon ng smuggling ng bigas dahil magiging bukas na sa lahat ang pag-import.
“Rice tariffication will eliminate rice smugglers as anyone can now import rice, the importer just needs to get sanitary and phytosanitary permit from the Bureau of Plant Industry (BPI) under the new law,” wika ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino.
Ayon kay Lambino, ang pangunahing layunin ng pagbubukas ng rice importation ay pakikinabangan ng mahigit sa 100 milyong Filipino dahil tinatayang bababa ang presyo ng bigas ng P2 hanggang P7 per kilo.
Samantala, sinabi ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) president Rosendo So na umangkat ang National Food Authority (NFA) ng may 1.96 million metric tons (MT) na walang taripa noong 2018.
Noong Enero ay muling umangkat ang NFA ng 555,696 MT subalit sinabi ni So na hindi ito napakinabangan ng mga Filipino consumer dahil mataas pa ang presyo ng bigas.
Sa bagong batas, sinabi niya na ang lahat ng rice importers ay kailangang magbayad ng taripa at ang perang makokolekta ay ibabalik sa mga mag-sasaka sa pamamagitan ng interventions o assistance.
Samantala, bagama’t inalis ang quantitative restrictions (QR) sa bigas, sinabi ni Lambino na ang pinakamahalagang papel ng NFA sa ilalim ng ba-gong batas ay sa ‘emergency buffer stocking’ upang masiguro ang rice availability sa mga lugars na tinamaan ng kalamidad.
“The NFA has an important role under the new law which is the emergency buffer stocking role, para kung may masalanta sa kahit saang lugar sa Pilipinas ay mayroong emergency stock,” ani Lambino.
“The challenge for the NFA is to manage the (emergency) buffer stock well and to be logistics expert, meaning dapat makarating ang bigas doon sa mga lugar na pinaka nangangailangan (the supply should reach those who need them the most),” dagdag pa niya.
Inamin din ni Lambino na ang rice trade ay ‘mismanaged’ at nagresulta ito sa pagkakautang ng NFA ng P145 billion.
“The inefficiency in the rice trade has resulted in two things — one, our farmers have not been supported to the level that they shoud be. Second, nagkau-tang ang taongbayan (the country was in debt) as of the latest count PHP145 billion due to NFA’s inefficient management of rice trade,” anang opisyal. PNA
Comments are closed.