SMUGGLING NG ECSTASY TUMATAAS

INIHAYAG ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mabilis na pagtaas ng mga insidente ng smuggling ng Methylenedioxy-methamphetamine (MDMA) na mas kilalang ecstasy, sa bansa.

“Smuggling of Ecstasy is expanding in the last three years. It grew from 13,000 tablets in 2019 to more than 74,000 tablets in 2021- a significant 460 percent increase,” pahayag ni PDEA Director General Undersecretary Wilkins Villanueva.

Ayon kay Villanueva, ang pagtaas ng demands sa paggamit ng party drugs ay sanhi ng psychological at mental health effects dahil sa pandemya at pagtaas ng popularidad ng internet kung saan ay madaling makakuka o makabili ng naturang droga.

Aniya, ito rin ang kadahilanan kung bakit bumilis ang pagtaas ng mga insidente ng smuggling ng party drugs.

Base sa kamakailang interdiction operations, ang suplay ng Ecstasy ay nanggagaling sa European countries gaya ng Netherlands, Germany, at Belgium.

Ginagamit ng mga smuggler ng ecstasy ang mail at parcel sa bansa upang maipuslit ang iligal na droga.

“They employ drug couriers to transport drugs to the intended buyers, or distribute the drugs through social media using secured accounts, a proven and efficient method to avoid detection,” ayon pa sa PDEA chief.

Magugunitang nitong January 2022, isang kargamento na galing sa Zaandam, Netherlands ang nasabat matapos na madiskubreng naglalaman ang anim na pouches ng 3,054 piraso ng blue at pink ecstasy tablets, sa Port of Clark, ng Pampanga. EVELYN GARCIA