AMINADO ang Department of Agriculture (DA) na nananatiling problema ang smuggling ng pork products mula sa mga bansang apektado ng African Swine Fever.
Sa isang panayam kay Agriculture Sec. William Dar, kailangang magtulong-tulong kung hindi malaking banta ito sa industriya ng pagbababoy sa bansa.
Pero tiniyak naman ng kalihim ang mahigpit na ipinatutupad na ban.
Iginiit din ni Dar na kailangang may sertipikasyon mula sa health veterinary ang karneng baboy upang matiyak na ligtas ito.
Samantala, inaasahang darating ngayong weekend o sa Lunes ang laboratory results ng mga sample na ipinadala sa Europe para malaman ang dahilan ng pagkakasakit at pagkakamatay ng ilang baboy sa bansa.
Comments are closed.