PINURI ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang isang babaeng fiscal sa Maynila matapos nitong sapakin at mahuli ang isang snatcher malapit sa Manila City Hall.
Sa kanyang Capital Report, sinabi ng alkalde na hindi na trabaho pa ni Fiscal Lani Ramos na isakote pa ang suspek na si Allan Mahayag, ngunit dahil sa kanyang pagiging citizen at pagmamalasakit sa kapwa ay nagawa niya ang isang bagay na hindi naman niya trabaho.
Ayon kay Fiscal Ramos, tila walang takot ang suspek dahil habang papatakas ito ay nagkatitigan pa silang dalawa.
Gayunman, hinayaan niya muna itong mauna maglakad habang papatakas kung saan lingid sa kanyang kaalaman ay sinusundan naman ito ng Fiscal.
Sa puntong iyon, may bumangga umano sa suspek saka naman niya binangga ang Fiscal dahilan para patulan na siya nito at suntukin.
Nagbabala naman si Ramos kay Mahayag na huwag lang itong mapunta sa kanyang korte dahil sisiguraduhin nitong hindi masasayang ang ginawa niyang paghabol sa suspek.
Si Ramos ay nakatalaga sa Manila Regional Trial Court Branch 16. PAUL ROLDAN
Comments are closed.