SNOW SA SAUDI RESULTA NG CLIMATE CHANGE

“Climate is really changing.”

Ito ang isa lamang sa mga reaksiyon ng mga netizen nang kumalat sa internet ang  ilang larawan ng umano’y pagkakaroon ng snow ng  disyerto sa Saudi Arabia.

Iniulat  ng ilang international media outlets na Nobyembre 3, 2024 pa nang magsimulang mabalot ng niyebe ang disyerto sa Al-Jawf region.

Ibinahagi ng isang netizen na si Mohammad Wasim sa social media na X noong Nobyembre 5, 2024, ang ilang mga larawan ng naturang disyerto.

“First time in history Saudi Arabian desert turns into winter wonderland after first-ever snowfall,” saad ni Wassim sa caption.

Naglabas din ka­makailan ng pahayag ang National Center of Meteorology (NCM), at sinabing nagyelo ang naturang disyerto dahil sa naghalong temperatura ng disyerto at hamog mula sa Arabian Sea na kalaunan ay naging sanhi ng pagkakaroon ng yelo sa paligid.

Nagbigay-abiso na rin ang United Arab Emirates (UAE) Meteorology Center at pinaghanda ang mga residente sa naturang rehiyon para sa posibilidad ng hail at thunderstorm sa kasunod ng pagkabalot sa yelo ng kanilang dis­yerto.

Samantala, naging hati naman ang reaksiyon ng ilang netizens sa kumakalat na larawan ng nagyeyelong disyerto ng Saudi Arabia.

“The miracle of Allah!”

“The end is near, yet we are still caught up in the world.”

“It’s really concerning. Desert areas are witnessing snowfall while glacial himalayan ranges are witnessing the most dry weather.”

“Wow, it’s really amazing and wonderful,” ayon sa mga ito.