SOBERANYA AT TERRITORIAL INTEGRITY TUTUTUKAN NI DIGONG

Defense Secretary Delfin Lorenzana-3

ITO ang isa sa mga na­ging tampok na pahayag ng Defense Department kahapon kaugnay sa Pre-SONA ng Pangulong Duterte kung saan ang pagtatanggol sa soberanya ng bansa at pananatili ng territorial integrity ng Filipinas ay prayoridad ng administrasyon.

“Defending national sovereignty and protecting territorial integrity is a pa­ramount priority of this administration,” ani Defense Secreary Delfin Lorenzana sa ginanap na televised pre-SONA presentation ng Security, Peace, Justice, Cluster, na napanood sa government TV station.

Inisa-isa ni  Lorenzana ang mga nagawa ng g­obyerno sa ilalim ng Duterte administration sa pagdepensa sa ating soberanya lalo sa West Philippine Sea at proteksiyon sa karapatang pantao sa bansa. Kabilang dito ang pagsusulong sa Code of Conduct of Parties in the South China Sea, gayundin ang pagsasaayos sa mga pasilidad ng militar sa Pag-asa Island na ayon sa U.S ay pinangangambahan ng China.

Dinagdagan din ang  surveillance radars sa mga estratehikong lugar para sa epektibong monitoring sa mga pumapasok sa karagatan.

Samantala  patuloy pa rin modernisasyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa pagtatanggol sa ating teritoryo at tampok rito ang  acquisition ng kauna-unahang Navy’s first-missile frigate, ang  BRP Jose Rizal (FF-150) na na-commissioned nito lamang  Hulyo 10 sa Subic Bay, Zambales.

Paparating na rin ang additional combat support aircraft para sa Philippine Air Force ngayong taon.  VERLIN RUIZ

Comments are closed.