SA pagdiriwang ng Buwan ng Sining ng Pilipinas, binuksan ang exhibit na “Soberenya” ni Allanrey “Migz” Salazar sa Legislative Atrium 2nd Floor sa Lungsod ng Quezon. Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto at ilang miyembro ng City Council ang ribbon-cutting at unveiling ng mga natatanging likhang-sining ni Salazar, isang Paris-based contemporary visual artist.
Dinaluhan din ito ng mga kawani ng Lungsod ng Quezon at college students mula sa Quezon City University. Ang exhibit ay bukas hanggang ika-19 ng Pebrero 2022 sa pakikipagtulungan ng Tanggapan ng Alkalde ng Lungsod ng Quezon, Department of Tourism at House of Migz.
“Artists must go beyond their canvas and marble, their music and writing, their dance and film. Compelled to have a purpose and advocacy concerning current socio-political landscape,” pahayag ni Migz Salazar.
Magagawaran din si Salazar ng “Ani ng Dangal” ng National Commission for Culture and Arts (NCCA) para sa taong 2022 sa kanyang natamong pagkilala sa Pablo Picasso International Arts Prize sa L’Accademia Italia in Arte Nel Mondo Associated Culturale sa Paris, France. RIZA ZUNIGA