(Sobrang asensado na) YENG CONSTANTINO MAY OSTRICH FARM RESTO AT KASOSYO PA SA GARAGE 88

YENG CONSTANTINO

PATULOY na kumikita ang The Ostrich Farm and Resto ni Yeng Cons­tantino at entra eksenamister na si Victor Asuncion.

Yes, laging maraming tao ang nasabing resto sa Blue Bay Walk na malapit lang sa Mall of Asia Arena. Sey pa ni Yeng ang kanilang sikreto ay ang super sarap nilang mga food na healthy pa kaya binabalik-balikan sila ng customers.

Ilan sa kanilang mga sine-serve ay ang juicy burgers, sumptuous pasta dishes, hearty chili nachos, and salads with only 100% ostrich meat.

Tuloy rin ang sosyo ni Yeng kasama ang ilang kaibigan sa Garage 88 na isang Music Artist’s Resto na may tatlong branches sa Katipunan Avenue in Quezon City; Bonifacio Global City in Taguig City and Parañaque.

PINOY SINGER NA SI JC GARCIA FRONT ACT KINA GARY, IMELDA, ANTHONY AT GABBY SA US

NAME the famous local singers, ilan sa kanila ay nakasama nang nagtanghal sa malalaking venue ng Pinoy artist na si JC Garcia na patuloy na gumagawa ng pangalan sa Amerika. Yes kabilang sina Imelda Papin, Anthony Castelo, Gary Valenciano at maging ang actor na si Gabby Concepcion sa nakatrabaho na ni JC sa entablado. Ang hindi niya makalilimutang show na ginawa nila ni Anthony Castillo ay sa Vancouver, Canada kung saan napuno nila ang 5,000 capacity ng kilalang auditorium doon. Nababaitan naman si JC kay Gabby Concepcion na nakikipagkuwentuhan at game sa picture taking at wala rin naman daw siyang masabi kina Manay Imelda, Anthony, Gary, at iba pa dahil maliban sa mga propesyonal ay may respeto sa kapwa artist na gaya niya.

Gusto pa lang pasalamatan ni JC ang dalawa sa concert producer na madalas kumuha sa kanya sa series of shows at ito ay sina Mr. Jovy Romena at Madam Bheng Topacio.

“ARTISTAHIN” NG EAT BULAGA PINAGKAKAGULUHAN AT KINAKIKILIGAN SA BAWAT BARANGAY

HINDI lang kikiligin kundi kaaaliwan din ng televiewers ang bagong segment sa Eat artistahinBulaga na “artistahin” na idinaraos sa iba’t ibang Barangay sa Mega Manila. Audition on-the-spot kasi ang nangyayari sa dalawang male or female contestants at in fairness, mga guwapo at magaganda talaga ang kalahok dito daily kasama ang auditions master Dabarkads na sina Wally, Jose, Paolo, at Ryan Agoncillo. Unang ipapakita ay ang talent at susundan ito ng kanilang acting skills at talagang wow! nakakaarte sila kaya naman lahat ng nakatutok sa Eat Bulaga at Facebook Fanpage ng noon-time show ay excited na magbigay ng kanilang reactions na love at wow. Dalawa sa mga nanalo sa artistahin ay sina Mark na nakakuha ng 64K reactions at Claire with 96K reactions. Parehong tumanggap ng P10K ang dalawa. At para sa mga nais sumali na male & female (13 -25 years old ) talented in singing, dancing, and acting etc. Punta na sa APT STUDIOS, sa Cainta Rizal mula 3 hanggang 6 PM at mag-audition. At narito ang mga dadalhing niyong requirements: 3R Picture (half body), Photocopy of Birth Certificate at 1 Valid ID.

Comments are closed.