MALAPIT nang maobliga ang mga supermarket, restaurant at food manufacturers na ipamigay ang mga sobrang pagkain matapos na maaprubahan ang House Bill 8873 sa ikatlo at huling pagbasa.
Sa botong 183 Yes at walang pagtutol ay tuluyang naipasa ang “Food Waste Reduction Act.”
Layon ng panukala na mawakasan ang pag-aaksaya ng pagkain at mabawasan ang malaking problema sa kagutuman.
Magtatatag naman ng ‘food banks’ na siyang titingin sa kalidad ng mga pagkain na ipamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Para naman sa mga tira-tirang pagkain na hindi na puwedeng kainin, ipadadala ang mga ito sa livestock farmers na maaaring ipakain sa mga alaga o kaya ay gawing pataba sa lupa.
Nakasaad din sa panukala na pagmumultahin ng mula isa hanggang limang milyong piso ang sinumang magbebenta ng mga donasyong pagkain. CONDE BATAC
Comments are closed.