SOBRANG STOCK NG GAMOT BUBUSISIIN

GAMOT-2

NAIS na imbestigahan ni Senate Committee on Finance Sonny Angara ang sobra-sobrang stock ng gamot sa warehouse ng Department of Health.

Naghain ng resolusyon si Angara para magsagawa ng pagdinig sa P18.4 bilyon halaga ng overstock na gamot sa warehouse ng DOH na dapat sanang naipamahagi na sa mga mahihirap na pasyente base sa ulat ng Commission on Audit noong 2018.

Nalulungkot si Angara dahil nagpapakahirap na pumila at tila namamalimos na sa mga ahensiya ng pamahalaan ang mga pasyenteng mahihirap para lamang makakuha ng libreng gamot na kung minsan napapagkaitan pa.

Labis na nanghihinayang si Angara sa halos P20 bilyon ang nasayang na mga gamot na dapat na ipaliwanag ng DOH sa ipapatawag na pagdinig pa-ra na rin malaman kung magkano dapat ang kanilang ilalaan na pondo sa DOH sa taon 2020.

Lumalabas sa report ng COA na ang nasasayang na gamot dahil sa overstock ay umaabot sa P18.4 bilyon  noong 2018, P16 bilyon noong 2017, P11.3 bilyon noong 2016 at P10 bilyon noong 2015.    VICKY CERVALES

Comments are closed.