KINUWESTIYON ni Senador Cynthia Villar nitong Lunes ang tumataas na presyo ng sibuyas sa kabila ng hindi totoong may kakulangan ng mga lokal na sibuyas.
Sinabi ng senador na walang kakapusan para sa presyo ng sibuyas na aabot sa P700 kada kilo tuwing holiday season at P350 hanggang P550 ngayong linggo.
“So we could say that we really don’t have a shortage to cause an increase in price, that is why we’re calling this hearing for the people to be able to explain what is happening… they have to explain to us what is happening in the DA and, of course, in the Bureau of Customs,” ani Villar.
Samantala, sinisi ni Sen. Imee Marcos ang Department of Agriculture (DA) sa hindi magandang pagpaplano.
“The price of onions had taken us on this mad roller coaster ride during the last few months. It is apparent that there is an abject lack of planning (on the part of DA) therefore,” ani Marcos.
Kinuwestiyon din ang plano ng DA na mag-angkat ng 20,000 MT ng sibuyas para labanan ang tumataas na presyo dahil magdudulot umano ito ng pagkalugi sa mga producer ng sibuyas na nagbabalak mag-ani sa susunod na buwan.
Bilang tugon, sinabi ng DA na naamyendahan na nito ang kahilingan at mag-aangkat na lamang ng 5,000 MT na sibuyas. LIZA SORIANO