MAY hanggang Hunyo 13 na lamang ang lahat ng mga kumandidato sa Mayo 14, 2018 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) upang maghain ng kanilang Statement of Election Contribution and Expenditures (SOCE) sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec).
Paalala ng Comelec, nanalo man o natalo noong nakaraang eleksiyon ay kinakailangan pa rin ng mga kandidato na maghain ng kanilang SOCE.
Binalaan pa ng Comelec ang mga kandidato na maaari silang madiskuwalipika sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno kung mabibigong maghain ng SOCE sa takdang oras, na alinsunod sa itinatakda ng Section 14 ng Republic Act 7166.
“We have always said that the Barangay is where the public directly experience our government. Therefore, our frontline public officials must be sterling exemplars of upright, law-abiding citizens to the public whom they pledge to serve,” ani Comelec spokesperson James Jimenez. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.