SOCIAL BENEFITS KARAPATAN NG PWDs

Secretary Silvestre Bello III

MAYNILA – NANAWAGAN ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer sa bansa na igalang at sundin ang mga karapatan ng mga Person with Disablity (PWD) sa lahat ng mga benepisyo o social benefits dahil itinatakda ito sa ilalim ng Labor Code of the Philippines.

Ito ang binanggit ni Labor Secretary Silvestre Bello III nang ilabas niya ang Labor Advisory No. 14, series of 2018 na nag-uutos sa mga employer na ibigay sa mga kuwalipikadong manggagawa na mayroong disability ng mga karapatan at pribilehiyo sa ilalim ng labor code.

Ang mga manggagawa rin na may disability ay dapat na saklaw o nabibigyan ng Social Security System, PhilHealth at Pag-IBIG.

Dagdag pa rito, liban pa sa service incentive leave sa ilalim ng Labor Code, as amended, ang mga PWD employee rin ay may karapatan sa Maternity Leave (RA 1161, as amended ngRA 8262), Paternity Leave (RA 8187), Solo Parent Leave (RA 8972), Violence Against Women and their Children (VAWC) Leave (RA 9262),  at Special Leave for Women (RA 9710).

Ang Magna Carta para sa mga Disabled Person o Republic Act No. 7277 ay nagsasaad na “walang disabled na tao ang dapat na pagbawalan na mabigyan ng mga oportunidad sa maayos na trabaho, at ang mga kuwalipikadong disable na manggagawa ay dapat ding makatanggap ng parehong kondisyon sa trabaho, kompensasyon, pribilehiyo, mga benepisyo, incentive o allowance tulad ng sa mga walang kapansa­nang manggagawa.”

Ang Implementing Rules and Regulations ng RA 7277 ay nag-aatas sa Department of Labor and Employment, sa pakikipagtulu­ngan sa mga local government units, pribadong korporasyon, at Public Employment Service Office, upang tulungan ang mga PWD sa mga oportunidad sa trabaho sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga job fair, career guidance, job coaching, at iba pang serbisyo sa employment facilitation. PAUL ROLDAN

Comments are closed.