IPATUTUPAD ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang social distancing sa inbound international commercial airlines at chartered flights na lalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para makaiwas sa pagkalat ng COVID-19.
Ito ay matapos alisin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang suspensiyon ng inbound international flights for repatriating Filipinos mula pa noong nakaraang araw.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, makaraang alisin ang restriction ay nag-isyu ng Notice to Airmen (Notam) ang CAAP na maaring mag-landing ang mga inbound international chartered flight sa NAIA sa mga araw ng Lunes at Huwebes, ngunit kinakailangang kumuha ng clearance sa Department of Foreign Affairs (DFA) at sa Manila International Airport Authority (MIAA) para sa slot.
Ang direktibang ito ay upang maayos ang set up dahil kailangan ito sa pagkuha ng slot at rescheduling ng flights upang masunod ang 400 passengers per day capacity ng NAIA, bilang pagsunod sa kautusan ng IATF.
May 400 pasahero sa bawat araw ang pinapayagan sa NAIA para masunod ang social distancing sa loob ng eroplano at makaiwas sa sakit na coronavirus.
Hindi masusunod ang maximun 170 seating capacity ng isang eroplano dahil kalahati o 50 porsiyento lamang ng mga pasahero ang pasasakayin para masunod ang social distancing sa loob ng aircraft.
Nagsimula ang restrictions na ito ng Mayo 11 at mananatili hanggang sa Hunyo 10, 2020.
Comments are closed.