SOCIAL MEDIA ADS HIHIGPITAN, IMO-MONITOR NA NG COMELEC

SOCIAL MEDIA ADS

MAHIGPIT nang imo-monitor ng Commission on Elections (Comelec) ang mga social media at online advertisements para sa 2019 midterm polls.

Alinsunod sa Comelec resolution 10488, dapat nang iparehistro ng mga kandidato at political party sa Education at Information Department ng poll body ang lahat ng kanilang website at social media page na ginagamit o gagamitin sa kampanya.

Ito ang unang beses na i-re-regulate ng Comelec ang mga campaign blog at social media post.

Ikinokonsidera ng poll body na karagdagang campaign blogs o pages ang mga blog o social media page na hindi direktang pinangangasiwaan ng isang partido o kandidato subalit nag-eendorso naman ng kandidato o partido.

Bagaman ‘unregulated’ ang paggamit ng social media sa bansa at libre ang distribusyon ng mga campaign material sa internet, tanging magagawa ng Comelec ay i-monitor ang mga magastos na website na may maayos na production video o may mga artista bilang endorsers.

Una nang tiniyak ni Comelec spokesman James Jimenez na hindi naman i-re-regulate sa bagong polisiya ang content ng social media bagkus ay nais lamang nilang matiyak ang maayos na halalan.              DWIZ882

Comments are closed.