IPANUNUKALA ni Senador Sonny Angara na doblehin ang social pension at palawakin ang saklaw nito upang maisama ang lahat ng mahihirap na senior citizens.
Nais ni Angara na mula P500 ay gawing P1,000 ang social pension.
Sa datos mula sa Coalition of Services of the Elderly (COSE), 33% lamang o katumbas ng 2.9 milyon ng may 8.7 milyong matatanda ang sakop ng contributory pension tulad ng Social Security System, Government Social Insurance System, at iba pang pension systems.
Sa 5.8 milyong senior citizens na walang contributory pension, nasa 3.4 milyon ang sakop ng Social Pension Program para sa Indigent Senior Citizens ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Upang mapasama sa social pension program ng DSWD at mabigyan ng P500 kada buwan, ang senior citizen ay dapat na walang pensyon mula sa state-run pension agencies; at walang permanent source of income o financial support sa pamilya bukod pa sa dapat ay may iniindang sakit.
Dahil dito, 2.4 milyong senior citizen ang walang pension.
Sa Senate Bill 1865, nais ni Angara na tanggalin ang “frail, sickly or with disability” na requirement. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.