SOCMED GAGAMITIN PARA SA UGNAYAN NG OFW AT GOBYERNO

DFA

PASAY CITY – UPANG maging mabilis ang pagdulog ng mga problemadong overseas Filipino worker (OFW) sa pamahalaan partikular sa Department of Foreign Affairs (DFA), nilikha ang OFW Help page sa Facebook.

Kumbinsido ang kagawaran na mas mabilis na maabot sila ng mga nangangailangang OFW dahil sa malawak na social media platform.

Ayon sa DFA- Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs, ang bawat pamil­yang Pinoy ay mayroong Facebook account kaya kung may problema ang kanilang kamag-anak na OFW ay maaaring maipaalam agad sa DFA sa pamamagitan ng pag-private message.

Pabor ang OFW Help page sa mga manggagawang malayo sa Philippine Embassy o sa konsulada.

Sa pamamagitan ng OFW Help page ay agad ding made-detect ang undocumented OFWs. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.