NAGPAHAYAG ng suporta kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ang grupo ng social media practitioners upang labanan ang talamak na problema ng graft and corruption sa pamahalaan.
Sa ginanap na Kapihan sa Manila Hotel, sinabi ni Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Incorporated (KSMBPI), chairman Dr. Michael Raymond Aragon na handa silang tulungan ang Pangulong Marcos na sugpuin ang katiwalian sa bansa.
Ani Aragon, malaki ang naitutulong ng mass media na upang ibulgar ang katiwalian at mapanagot ang may sala.
Hindi maikakaila na malaking tulong ang social media kaya plano din nilang kumuha at magsanay ng mga mamamahayag sa barangay level na magsisilbing watchdog.
“If the corrupt can pay off the influence of a few surely they can not afford to buy out millions of the social media citizenry watching over and protecting our national treasury versus corruption”, ani Aragon.
Ipinaliwanag naman ni KSMBPI president at veteran radio reporter Andy Vital na nabuo ang organisasyon noong 2017 upang labanan ang fake news at ituro ang tamang paraan ng pagbabalita.