(DICT maghihigpit na) SOCMED POSTING IRE-REGULATE

INAMIN ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na kailangan na ang pinaigting at napapanahong polisiya na tututok sa cybercrime activities na banta para sa national security.

 Sa pilot episode ng Malacañang Insider prog­ram, iginiit ni Uy  na nakakaladkad ang mga matataas na opisyal ng pamahalaan sa mga negatibong social media posts at nabibiktima ng fake information na dahilan kung bakit naguguluhan ang pubiliko kaya hindi dapat itong i-tolerate.

“Well, we need to probably come up with more responsive and timely policies in order to address this ‘no especially when it comes to matters of national security,” ayon kay Uy.

Dagdag pa ni Uy, magdudulot ng mala­king kapahamakan sakaling ang mga opisyal pa ng pamahalaan ang mabibiktima ng deep fake.

“I mean, we cannot have a situation where a high government official is suddenly posted on social media announcing that’s a major disaster or an explosion or whatever causing panic to the citizenry, when in fact, that wasn’t the truth,” dagdag pa ni Uy.

Ginawang halimbawa ni Uy ang Malaysia na tumutuok sa misbehavior sa social media sa pamamagitan ng pagpapatupad ng pagmumulta at dapat may  regulasyon na  lisensiyado o may kaukulang permit ang social media platforms.

Sa pagkilala na maaaring may mga batas na partikular sa mga problemang tinutugunan bilang anti-scam, anti-misinformation, anti-deep fake, mariing itinulak ni Uy ang isang mas komprehensibong batas sa halip na “bits and pieces” ng pagpaparehistro na tumutugon sa bawat aktibidad na iyon.

“I think so, we need a new law,” Uy stressed. “Actually, I think we need to have a more comprehensive law rather than bits and pieces of registration that addres­ses small items of specific items. For instance, you have an anti-scam law, you have an anti-misinformation law, you have anti-deep fake law, something like that,” dagdag pa ni Uy.

EVELYN QUIROZ