CAVITE- UMAABOT sa 200 indibidwal mula sa hanay ng Cavite Police, Cavite Provincial Forensic Unit (PFU), non- governmental organizations (NGO), at volunteers katuwang ang ilang support group ang lumahok sa Blood Letting Event na inorganisa ng Cavite PFU sa Tagaytay City kamakalawa ng umaga.
Pumalo sa 97% ang mga donor na lumusot sa screening, interview at nakapag-donate ng dugo, habang ang 3% ay hindi pumasa dahil sa iba’t ibang kadahilanan.
Ayon kay Cavite PFU Chief PLt.Col Olivers Dechitan, mayorya ng mga donor ang PNP personnel na nakatalaga sa mga kalapit bayan at lungsod ng Tagaytay, at mga residente rin sa mga kalapit na lugar na mangangailangan ng dugo, ang magiging top priority sa mga makikinabang dito.
Kaya naman time out muna sa crime scene processing ang Cavite PFU o kilala din bilang Scene Of the Crime Operatives, dahil bukod sa trabaho, bahagi rin ng kanilang tungkulin sa bayan ang pagseserbisyo publiko. MB