Filipino ang kauna-unahang Asian na nanalo sa American singing competition na The Voice USA, at hindi iyon kataka-taka.
Filipino-American ang singer na si Sofronio Vasquez na siyang grand winner ng The Voice USA Season 26 na inanunsiyo nitong Martes ng gabi, Disyemre 10, 2024 (U.S. time), December 11 naman sa Pilipinas.
Ipinakita ni Sofronio, 32, ang kanyang husay kaya naman nakakuha siya ng pinakamaraming text votes, dahilan para tanghalin siyang The Voice USA 2024 grand champion.
Kasama sa premyo ni Sofronio ang $100,000 cash prize at record deal.
Ito ang kauna-unahang pagkakataong may nanalong Pilipino at Asian sa kasaysayan ng The Voice USA, considering na ang kanyang coach ay si Canadian singer-songwriter na si Michael Bublé.
Ito rin ang kauna-unahang panalo ni Michael bilang coach sa The Voice.