LABIS na ikinadismaya ni Bataan Rep. Geraldine Roman ang ginawang pagbabawal at pamamahiya sa isang transgender na si Gretchen DIEZ na gumamit ng pambabaeng CR sa isang mall sa Quezon City.
Giit ni Roman, isa itong malinaw na diskriminasyon sa mga miyembro ng LGBTQ.
Higit pang ikinagalit ng kongresista ay nangyari ang insidente sa Quezon City na mayroong ordinansa na nagbabawal ng diskriminasyon sa mga kabilang sa LGBTQ.
Dahil dito, lalong iginiit ng mambabatas ang pangangailagan na maipasa na ang Sexual Orientation, Gender Identity, and Gender Expression o (SOGIE) Equality Bill.
Sinabi ni Roman, maaaring maliit ang LGBT community pero Filipino rin ang mga ito na may mga karapatang dapat protektahan.
Matatandaang pumasa sa Kamara ang SOGIE bill noong 17th Congress pero bigong umusad sa Senado.
Ngayong 18th Congress ay sampung panukala ang inihain na SOGIE Bill at na-i-refer na ito sa House Committee on Women, Gender and Equality. CONDE BATAC
Comments are closed.