SOIL TESTING SA INTEGRATED TOLL EXPRESSWAY NG SMC GINAGAWA NA

INIHAYAG ng lokal na pamahalaan ng Navotas na kasalukuyan nang ginagawa sa kahabaan ng R-10 sa naturang lungsod ang soil testing para sa integrated toll expressway ng San Miguel Corporation papunta sa New Manila International Airport sa Bulacan.

Ang expressway na ito ay dadaan sa Navotas Coastal Development at magsisilbing direct link at rapid transit papunta at pabalik sa airport.

“Maraming oportunidad para sa mga Navoteño ang hatid ng expressway na ito. Sa inyong tuloy-tuloy na pakikiisa at suporta, siguradong TobyContinued ang pag-angat ng buhay sa Navotas,” ani Mayor Toby Tiang­co.

Aniya, ang proyektong ito ay matagal nilang pinagplanuhan kasama ang SMC na magtatampok ng pinakamalaking Pabahay para sa mga Navoteño.

Dagdag pa nito, sa itatayong expressway ng SMC ay maaari itong tayuan ng 3,480 units ng pabahay para sa mga Navoteno at kagandahan ay walang gagastusin dito ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas.

“Pabahay at progreso sa mga Navoteño , yan ang ating patuloy na pagsusumikapan, para sa inyo mga kababayan ko!” anito. EVELYN GARCIA