“INVEST, invest, invest in the Philippines.”
Ito ang mahigpit na panawagan ni South Korean Ambassador Han Dong-man sa South Korean companies bilang tugon sa ‘Build Build Build’ program ni Pangulong Rodrigo Duterte upang udyukan ang economic growth sa bansa.
Ginawa ni Han ang pahayag sa isang talumpati sa paggunita sa Korea National Foundation Day at sa selebrasyon ng Armed Forces Day sa Makati City noong Martes.
Ayon kay Han, ang trade volume sa pagitan ng South Korea at ng Filipinas ay umabot sa USD15 billion noong nakaraang taon, at ang Korea ay nananatiling fourth largest trading partner ng bansa.
“Whenever I meet Korean businessmen, I ask them to invest, invest, invest in the Philippines in accordance with President Duterte’s build, build, build slogan,” aniya.
“With the Philippine’s robust and steady economic growth, I expect our trade and economic ties will be deeper and stronger.”
Dagdag pa ni Han, ang Korea at Filipinas ay may napakagandang relasyon sa iba’t ibang sektor magmula nang mabuo ang diplomatic ties noong 1949.
“During the Korean War, more than 7,000 Filipino soldiers, including former President Fidel V. Ramos, fought bravely together with Koreans. I believe today’s Korea would not be enjoying peace, democracy and economic prosperity without the great and noble sacrifice of the Korean War veterans. Some of these (Philippine Expeditionary Force to Korea) PEFTOK veterans are with us tonight,” aniya.
Nagpasalamat din si Han sa pamahalaan ng Filipinas sa pagsuporta sa kanilang paglalakbay upang matamo ang kapayapaan at katatagan sa Korean Peninsula, patungkol sa tatlong rounds ng inter-Korea summits at sa US-North Korea summit na nagbigaydaan para sa ‘reconciliation, cooperation, at complete denuclearization’ ng North Korea.
Aniya pa, ang cultural relations sa pagitan ng dalawang bansa ay nananatiling malakas.
“Culturally, the Korean Wave, including Koreanovela, K-pop, Korean cosmetics and food, are spreading across the country. For example, the Korean idol group Momoland’s Bboom Bboom and Baam marked number 1 and 2 in the weekly chart of the Philippines,” ani Han.
“It is my job to galvanize these Korean cultural elements in Philippine society, citing that last year, 1.6 million Korean tourists visited this beautiful country,” dagdag pa niya.
Sa kasalukuyan, ang Koreans ay nananatiling nangungunang bansa pagdating sa foreign tourists, habang kalahating milyong Pinoy ang bumibisita sa Korea.
Sa kabila nito, sinabi ng Korean envoy na nangako siya kay Pangulong Duterte na magdadala ng dalawang milyong Korean tourists sa bansa sa kanyang termino bilang South Korean ambassador to the Philippines. PNA
Comments are closed.