SOLANE NAKASAMSAM NG PHP 160K NA HALAGA NG PEKENG TANGKE NG LPG AT MGA PARAPERNALYA

Humigit kumulang PHP 159,800 na halaga ng ilegal na produkto ng liquefied pet­roleum gas (LPG), kabilang na ang mga pekeng tangke at valve seals, ang nakumpiska sa tatlong raids na pinangunahan ng Solane LPG sa pakikipagtulungan sa Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Sa pinakahuling raid operation ng CIDG sa Enrile, Cagayan, arestado ang anim na indibidwal at nakumpiska ang tinatayang PHP 1.5M na halaga ng tangke ng LPG, seals at parapernalya, kabilang na ang 52 tangke ng Solane na may laman at 26 na basyong tangke na nagkakahalaga ng PHP 132,600. Nasamsam rin ang 12 na timbangan na may partner filler hose, isang LPG compressor, dalawang LPG pump motors at isang truck na ginagamit sa pagdeliver ng mga produkto.

Nahaharap ang mga arestado sa kaso ng paglabag sa Presidential Decree 1865 o Illegal Trading of Petroleum Products at paglabag sa Republic Act 5700, na ipinagbabawal ang kahit sino man na magrefill ng steel cylinders at tangke ng produkto ng isang kumpanya na walang pahintulot mula sa manufacturer.

Dalawang magkakahiwalay na raid operations naman ang pinangunahan ng Solane LPG sa Tobaco City, Albay, kung saan nasamsam ang PHP 27,200 na halaga ng pekeng produkto ng LPG, kabilang ang 15 na tangke ng Solane na may laman at isang basyong tangke ng Solane LPG.

Kasama ang pinakahuling mga raid operations, nakapagsagawa na ng walong raid operations ang Solane LPG simula sa pagbukas ng 2023, kung saan ang mga nakumpiskang ilegal at substandard na tangke ng LPG at mga kagamitan ay umabot na sa 182 at nagkakahalaga ng PHP 309,400.

Solane, pinaigting ang pagpapalaganap ng kaalaman ukol sa LPG Law
Habang patuloy ang Solane sa pakikipagtulungan sa mga awtoridad sa pagsugpo sa mga illegally refilled at pekeng LPG sa pinagmumulan nito, pinapaigting din nito ang pagpapalaganap ng kaalaman ukol sa RA 11592 o ang LPG Industry Regulation Act (LIRA), na naglalayong protektahan ang mga consumer laban sa mga ilegal na kalakaran ng LPG upang maiwasan ang mga insidente ng sunog na dulot ng depektibong LPG.

Kasunod ang partisipasyon nito sa LPG Philippines Summit na isinagawa sa Pasay City nitong Marso, nakipagtulungan ang Solane LPG noong Abril sa Department of Energy para magsagawa ng LIRA Awareness Symposium sa mga retailer at distributors nito sa Cebu City. Sa Solane RTO Symposium, tinalakay ng mga kinatawan ng DOE at Solane ang kahalagahan ng LIRA, at ang mga benepisyo at mga hakbang sa maingat na paggamit ng mga produkto ng Solane LPG.

Patuloy na hinihimok ng Solane LPG ang mga mamimili na maging mapagbantay laban sa mga iligal na supplier ng LPG. Upang matiyak na ang kanilang mga tangke ng LPG ay tunay, maaaring suriin ang mahahalagang marka tulad ng rehistradong pangalan ng tatak at trademark ng manufacturer, standard used and test dates, serial o code number, markang ‘Made in the Philippines’, petsa ng pag-expire at timbang.

Ang mga awtorisadong tangke ng Solane LPG ay tumitimbang ng humigit-kumulang 13 hanggang 15 kilo para sa AS o de salpak, 11.5 hanggang 14 na kilo para sa POL o de roskas, at 4.1 kg para sa Solane Sakto. Ito rin ay may kasamang biodegradable seal.

Hinihikayat rin ng Solane LPG ang mga mamimili na bumili lamang mula sa mga lehitimong suppliers at distributors. Upang matiyak na ligtas at kalidad ang kanilang mga tangke ng LPG, maaaring tumawag sa Hatid Bahay Hotline – (02) 8887-5555, magpadala ng mensahe sa 0918-887-5555 (Smart) / 0917 8977555 (Globe) o sa Solane Facebook page, o mag-order sa pamamagitan ng Solane LPG app. Maari ring mag-order sa pamamagitan ng Solane Web Ordering Platform.